Sa Mayo 10,2010, Pumunta sa polling precinct to exercise our right to vote. Pagdating sa iyong presinto, hanapin ang iyong pangalan sa precinct computerized voters list nakalagay sa may pinto at alamin ang iyong precinct number at sequence number. Lumapit san naka assign na guro at ibigay ang iyong pangalan at ibang impormasyon na kailangan.
Ang susunod na tagpo ay hahanapin ng teacher na in-charge ang iyong pangalan sa election day computerized voters list. Kung nakasulat ang pangalan mo dun, titignan nga kung ikaw talaga yun sa pamamagitan ng litrato o pirma sa Voters Registration Record ,o ano pang dokumento na maaring magpatunay na ikaw nga yun. Kaya magdala ng kahit anong mang proof of identity o valid ID.
Itse-tsek ang iyong kuko kung meron na itong marka ng indelible ink. Kung wala, ibibigay na sayo ang isang balota at bibigyan ka ng instructions kung paano magfill up ng balota. Gamitin ang marker at secrecy folder habang bumoboto.
Punuin ng shade ang bilog sa tabi ng pangalan ni Armando C. Sanchez.Hindi check, ekis, hugis puso o ano pang hugis basta punuin lang ng shade ang bilog. Ang lahat ng boto matatanggap ng dating gobernor ng Batangas ay automatically mapupunta sa kanyang asawang si mayor Edna Sanchez bilang kapalit ng yumaong asawa sa governatorial position ng nacionalista party sa Batangas. Si Mayor Edna Sanchez ay matagal ng nanilbihan at isa siyang full time mayor, araw araw na naninilbihan sa taong bayan ng batangas. Karapat dapat niyang ipagpatuloy ang adhikain ng kaniyang asawa. Hindi ng Governor Vilma Santos- Recto na once a week kung pumasok para lamang pirmahan ang mga dokumento na pinapipirmahan sa kanya at mag utos sa mga tauhan niya.
Huwag mag-over vote o bumuto nang lampas pa sa takdang kandidato. Sa pagka gobernador isa lamang ang iyong maaaring iboto kaya ang ishade ang bilog na hugis itlog sa tabi ni Armando C. Sanchez. Para ito sa ikauunlad ng lungsod ng Batangas, ibalik ang dating Batangas.
Kapag natapos mo nang ishade ang bilog na hugis itlog para sa kursunada mong kandidato ay pumunta sa PCOS Machine at ipasok ang balota sa ballot entry slot para ka lang nagpapasok ng papel sa printer.
Intayin lumabas sa screen ang salitang “CONGRATULATIONS. YOUR VOTE HAS BEEN REGISTERED” para makasiguradong tinanggap ang iyong boto.
Hangad nating lahat ang malinis na halalan upang mabigyan ng buhay ang ating lungsod ng Batangas.
Showing posts with label armando sanchez. Show all posts
Showing posts with label armando sanchez. Show all posts
Thursday, May 6, 2010
Tuesday, April 20, 2010
Life of Governor Armando Sanchez as a Governor of Batangas
Armando Sanchez , a mechanical engineering graduate from the University of the East. He was elected mayor of Sto.Tomas Batangas in 2001. During his term as the mayor, he leaped Sto.Tomas from being the 5th class municipality to 1st class.
He built a three story town hall and produced a hospital. In 2002, Sto.Tomas won the top prize in a nationwide search for the cleanest and greenest town in Batangas. In 2004, Because of what he did in Sto.Tomas during his stint as mayor, many convince him to run for governor of Batangas.
won the governatorial election against six other candidates. During his stint as the governor of Batangas., He nearly escaped death in 2006. When a planted bomb blew up his hummer and two of his aides were killed. The Regional Trial Court of Batangas ordered the arrest of Ricky Recto, the former vice governor of the province in connection to the bombing. Ricky Recto is the brother of Ralph Recto a former senator and the author of EVAT law.
During the term of being the governor of Batangas many allegation was threw to him that cause him to loss the 2007 governatorial election to Mrs. Vilma Santos-Recto. When he was not busy in politics, he concentrate on his business including ACS Industrial Farms, which is the main supplier of chickens for San Miguel Foods Inc. He also dabbles in real estate and construction and has a fondness for breeding race horses.
Now he is running again for the governatorial election in Batangas for the Nacionalista party.
He built a three story town hall and produced a hospital. In 2002, Sto.Tomas won the top prize in a nationwide search for the cleanest and greenest town in Batangas. In 2004, Because of what he did in Sto.Tomas during his stint as mayor, many convince him to run for governor of Batangas.
won the governatorial election against six other candidates. During his stint as the governor of Batangas., He nearly escaped death in 2006. When a planted bomb blew up his hummer and two of his aides were killed. The Regional Trial Court of Batangas ordered the arrest of Ricky Recto, the former vice governor of the province in connection to the bombing. Ricky Recto is the brother of Ralph Recto a former senator and the author of EVAT law.
During the term of being the governor of Batangas many allegation was threw to him that cause him to loss the 2007 governatorial election to Mrs. Vilma Santos-Recto. When he was not busy in politics, he concentrate on his business including ACS Industrial Farms, which is the main supplier of chickens for San Miguel Foods Inc. He also dabbles in real estate and construction and has a fondness for breeding race horses.
Now he is running again for the governatorial election in Batangas for the Nacionalista party.
Labels:
armando sanchez,
E-vat law,
sto. tomas batangas
Busy ang Schedule ni Vilma Santos - Nakakasira yan sa pagiging artista..
Politicians have a very busy schedule but how come na mapagsasabay ng mga artistang politicians ang tapings bilang isang artista at ang public service bilang isang public official. Hindi ba sila ngkaka-conflict of interest? kasi based sa napapanood ko sa television halos wala ng tulog at lagi na lang puyat ang mga artista kapag may shooting o taping ng movie, teleserye or tv sitcom. Paano pa nila naiisingit sa busy schedule nila ang pagpunta sa munisipyo at ang mga bagay na dapat nilang gawin kaya sila binoto ng mga tao nasasakupan nila. Mahirap yata pagsabayin ang dalawang propesyon na parehong nangangailangan gugulan ng mahabang oras at atensyon.
Kapag active pa sa show business ang isang artista malamang ay mapapabayaan na nya ang kanyang sinumpaang tungkulin sa kanyang constituents dahil sa kanyang busy schedule bilang isang artista. Hindi naman ako against sa mga artista turned public servant kahit bibihira lang sa mga artista turned public official ang tunay na lingkod at nagbigay ng serbisyong totoo sa kanyang sinasakupan. Hindi dapat maging basehan ng ating pagpili ng ating iboboto dahil sila ay sikat na artista.
Dapat siguro ay ipaubaya na lang natin sa may kakayahang panghawakan ang lahat ng pangangailanga ng lungsod ng batangas. Kagaya na lamang ni Gobernor Armando Sanches, ibalik sa una sa pinaka mayamang lungsod ang batangas. Ibalik natin si Gobernor Armando Sanchez.
Mag artista ka na lang kaya Governor Vilma Santos- Recto?
Friday, March 5, 2010
Tumalim National High School
Dito sa Tumalim National High School sa Nasugbu Batangas, naitayo ng dahil sa mga donors mapa ibang bansa basta kapwa pinoy. Isa sa mga donors para maitayo an aming paaraan dine sa Nasugbu, Batangas Barangay Mataas na pulo, Tumalim ay ang Gulf Net Establish of Riyadh, Saudi Arabia na nagkakahalaga ng P246,330.72 at siyempre hindi ito makukumpleto kung wala ang CGMA Various Donors at ang mga tao sa Batangas lalong lalo na ang dating Gobernador Armando Sanchez, na nagbigay ng mga aklat, at mga gamit na kakailanganin naming mga estudyante.
Nagpapasalamat nga pala kami sa mga nag donate para sa paaralan dito sa aming barangay dahil kung wala kaming paaralan malayo layo din an aming dadayuhin para kami ay magkaroon ng kaalaman.Salamat din sa dating Gobernador Armando Sanchez dahil pinaayos niya din an aming paaralan para lamang magkaroon kami ng court para sa iba’t ibang activities na gagawin ng mga estudyanteng katulad namin, nadagdagan na din an aming silid paaralan dahil na din sa pag aasikaso niya dito at nagpunta din dito sa amin si pangulong Gloria Arroyo para Makita an gaming kalagayan dito na nagbigay din ng suporta para madagdagan an gaming silid aralan, talagang naniniwala ako na mahalaga ang edukasyon para sa dating Gobernador Armando Sanchez.
Samantala ang bago naming Gobernador Vilma Santos - Recto ay binigyan naming nang pagkakataon na umupo bilang Gobernador sa pag aakalang mahihigitan pa niya ang kayang gawin ni Gobernador Armando Sanchez, ngunit madami kaming nagkamali, nangyari ang iyon ng ipaghanada naming siya sa aming paaralan para bigyan siya ng magandang pagsalubong sa pagdalo sa aming paaralan pero kami ay nadismaya ng mga tauhan lamang niya ang dumating at may hawak na sulat at humihingi ng pasensiya sa hindi pagpunta, hindi sinabi ang dahilan pero sigurado kaming may shooting dahil yung mga panahon na yoon ay mayroon silang bagong pelikula na gagawin. Hindi nanaman natugunan ang pangangailangan naming mga estudyante, kulang kami sa silid aralan at madami na din na kailangan ipaayos, dumadami na din kasi ang populasyon sa paaralan ng Tumalin National High School . May kompyuter kami pero kapos naman limang kompyuter sa napaka daming estudyante nagsisiksikan kami kaya kailangan lang maging maalam at mag focus sa aming pag aaral kahit na naghihiaman kami sa limang kompyuter. Hindi manlang nadagdagan ang mga kagamitan n aming paaralan mula ng naupo si Gobernador Vilma Santos – Recto na inaasahan naming dahil 600 pesos lang ang kontribusyon ng bawat estudyante sa paaralan naming ito dahil mahihirap lamang din kami.
Wednesday, March 3, 2010
VILMA SANTOS – Isyu sa Pagka Gobernador sa Batangas
Totoo nga bang hindi nagpasahod si Gobernador Vilma Santos sa mga Doktor at Nurses? Totoo nga ba ang Gobernador ng Batangas ay nasa munisipyo lang ng Batangas tuwing Lunes ng umaga para dumalo lamang sa Flag Ceremony?
Ayon sa ulat ng Abante Tonite napaka dami daw nilang natatanggap na text at e-mails na nagsasabing tuwing lunes lamang nakikita itong ating Gobernador sa munisipyo na ginawa at pinaganda noon ng ating dating gobernador ng batangas na si Armando Sanchez na si Gobernador Vilma Santos naman ang nakinabang. Totoo nga ba na hindi malapitan si Gobernador Vilma Santos sa panahon ng kailangan ito ng taong bayan ng Batangas dahil wala ito mula martes hanggang matapos na ang buong linggo at magpapakitang muli sa munisipyo kapag dumating ang panibagong lunes? Bali balitang nag shooting daw ito para sa mga pelikula at komersyal ng kanilang pamilya para sa dadating na halalan. Aha! Mukha yatang nagkamali ako sa aking binoto bilang tatayong Gobernador ng aking bayan sa Batangas. Inakala ko kasing matutugunan niya ang pagiging Gobernador dahil naging darna siya sa pelikula, inakala ko kasing matutulungan niya ang bayan ng Batangas sa kahirapan lalo na pagdating sa Edukasyon ng mayroong mababang uri ng pamilya dito sa Batangas gaya ko.
Totoo nga ba ang bintang kay Gobernadro Vilma Santos na hindi nagpasahod sa mga Probinsyal Health Workers? Bilang isang Batanguena eh masasabi kong totoo nga na ang lugar namin ay nakararanas ng kakapusan sa gamot pati yung mga makina para sa pag di-dialysis at madami pang iba na tinugunan ng pansin ng dating gobernador na si Armando Sanchez ay pinabayaan lamang na masira. Hindi talaga siya nagkakaroon ng panahon na tugunan ang mga ospital dito sa Batangas dahil lagi siyang may preskon para sa kanyang mga pelikula at kung minsan naman ay nasa ibang bansa para I promote ang kanyang pelikula para sa mga kapwa nating Pilipino. Lalo na nung mga nakalipas na buwan! Nag shu-shooting pa ito para sa komesyal nila ng kanyang asawa na si Ralph Recto! Kaya panigurado yung mga ibang kababayan naming na lumalapit sa kanya noong mga nakaraang buwan eh wala naman siya! Madami din namang makapag papatunay na mga workers sa mga Ospital ng Batangas na hindi tinutugunan ng pansin ng Gobernador ang mga daing at pangangailangan ng mga ospital lalo na sa gamot. Malamang nagpupunta lamang siya sa mga Ospital para I promote bilang kandidato ang kanyang asawa sa pagtakbo at pagbalik bilang senador, ngayong dadating na halalan.
Tsk..tsk..tsk…
Aba! Eh kapag nakadating ito sa kanila malamang eh magmamadali silang kumilos para maging malinis at manalo sa dadating na halalan. Ako bilang isa sa mga kabataan na gusto ng pagbabago eh titignan ko nalang ang mga kabutihang nagawa ng isang tatakbo at uupo bilang Gobernador ng Batangas, kasi hindi naman lahat ng tumatakbo eh perpekto ang importante matugunan ang pangagailangan ng bayan. Kaya ipa-patrol ko dito sa aking blog ang mga aking nalalaman para sa aking lugar ng Batangas lalo na para sa kinabukasan naming mga kabataan.
Subscribe to:
Posts (Atom)

