Tuesday, April 20, 2010

Busy ang Schedule ni Vilma Santos - Nakakasira yan sa pagiging artista..


Politicians have a very busy schedule but how come na mapagsasabay ng mga artistang politicians ang tapings bilang isang artista at ang public service bilang isang public official.  Hindi ba sila ngkaka-conflict of interest?  kasi based sa napapanood ko sa television halos wala ng tulog at lagi na lang puyat ang mga artista kapag may shooting o taping ng movie, teleserye or tv sitcom. Paano pa nila naiisingit sa busy schedule nila ang pagpunta sa munisipyo at ang mga bagay na dapat nilang gawin kaya sila binoto ng mga tao nasasakupan  nila. Mahirap yata pagsabayin ang dalawang propesyon na parehong nangangailangan gugulan ng mahabang oras at atensyon.
Kapag active pa sa show business ang isang artista malamang ay mapapabayaan na nya ang kanyang sinumpaang tungkulin sa kanyang constituents dahil sa kanyang busy schedule bilang isang artista. Hindi naman ako against sa mga artista turned public servant kahit bibihira lang sa mga artista turned public official ang tunay na lingkod at nagbigay ng serbisyong totoo sa kanyang sinasakupan.  Hindi dapat maging basehan ng ating pagpili ng ating iboboto  dahil sila ay sikat na artista.
Dapat siguro ay ipaubaya na lang natin sa may kakayahang panghawakan ang lahat ng pangangailanga ng lungsod ng batangas. Kagaya na lamang ni Gobernor Armando Sanches, ibalik sa una sa pinaka mayamang lungsod ang batangas. Ibalik natin si Gobernor Armando Sanchez.
Mag artista ka na lang kaya Governor Vilma Santos- Recto?

No comments:

Post a Comment