Sa Mayo 10,2010, Pumunta sa polling precinct to exercise our right to vote. Pagdating sa iyong presinto, hanapin ang iyong pangalan sa precinct computerized voters list nakalagay sa may pinto at alamin ang iyong precinct number at sequence number. Lumapit san naka assign na guro at ibigay ang iyong pangalan at ibang impormasyon na kailangan.
Ang susunod na tagpo ay hahanapin ng teacher na in-charge ang iyong pangalan sa election day computerized voters list. Kung nakasulat ang pangalan mo dun, titignan nga kung ikaw talaga yun sa pamamagitan ng litrato o pirma sa Voters Registration Record ,o ano pang dokumento na maaring magpatunay na ikaw nga yun. Kaya magdala ng kahit anong mang proof of identity o valid ID.
Itse-tsek ang iyong kuko kung meron na itong marka ng indelible ink. Kung wala, ibibigay na sayo ang isang balota at bibigyan ka ng instructions kung paano magfill up ng balota. Gamitin ang marker at secrecy folder habang bumoboto.
Punuin ng shade ang bilog sa tabi ng pangalan ni Armando C. Sanchez.Hindi check, ekis, hugis puso o ano pang hugis basta punuin lang ng shade ang bilog. Ang lahat ng boto matatanggap ng dating gobernor ng Batangas ay automatically mapupunta sa kanyang asawang si mayor Edna Sanchez bilang kapalit ng yumaong asawa sa governatorial position ng nacionalista party sa Batangas. Si Mayor Edna Sanchez ay matagal ng nanilbihan at isa siyang full time mayor, araw araw na naninilbihan sa taong bayan ng batangas. Karapat dapat niyang ipagpatuloy ang adhikain ng kaniyang asawa. Hindi ng Governor Vilma Santos- Recto na once a week kung pumasok para lamang pirmahan ang mga dokumento na pinapipirmahan sa kanya at mag utos sa mga tauhan niya.
Huwag mag-over vote o bumuto nang lampas pa sa takdang kandidato. Sa pagka gobernador isa lamang ang iyong maaaring iboto kaya ang ishade ang bilog na hugis itlog sa tabi ni Armando C. Sanchez. Para ito sa ikauunlad ng lungsod ng Batangas, ibalik ang dating Batangas.
Kapag natapos mo nang ishade ang bilog na hugis itlog para sa kursunada mong kandidato ay pumunta sa PCOS Machine at ipasok ang balota sa ballot entry slot para ka lang nagpapasok ng papel sa printer.
Intayin lumabas sa screen ang salitang “CONGRATULATIONS. YOUR VOTE HAS BEEN REGISTERED” para makasiguradong tinanggap ang iyong boto.
Hangad nating lahat ang malinis na halalan upang mabigyan ng buhay ang ating lungsod ng Batangas.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment