Showing posts with label arman sanchez. Show all posts
Showing posts with label arman sanchez. Show all posts

Thursday, May 6, 2010

PUNUIN NG SHADE ANG BILOG NA HUGIS ITLOG SA TABI NG PANGALAN NI ARMANDO C. SANCHEZ

Sa Mayo 10,2010, Pumunta sa polling precinct to exercise our right to vote. Pagdating sa iyong presinto, hanapin ang iyong pangalan sa precinct computerized voters list nakalagay sa may pinto at alamin ang iyong precinct number at sequence number. Lumapit san naka assign na guro at ibigay ang iyong pangalan at ibang impormasyon na kailangan.

Ang susunod na tagpo ay hahanapin ng teacher na in-charge ang iyong pangalan sa election day computerized voters list. Kung nakasulat ang pangalan mo dun, titignan nga kung ikaw talaga yun sa pamamagitan ng litrato o pirma sa Voters Registration Record ,o ano pang dokumento na maaring magpatunay na ikaw nga yun. Kaya magdala ng kahit anong mang proof of identity o valid ID.

Itse-tsek ang iyong kuko kung meron na itong marka ng indelible ink. Kung wala, ibibigay na sayo ang isang balota at bibigyan ka ng instructions kung paano magfill up ng balota. Gamitin ang marker at secrecy folder habang bumoboto.

Punuin ng shade ang bilog sa tabi ng pangalan ni Armando C. Sanchez.Hindi check, ekis, hugis puso o ano pang hugis basta punuin lang ng shade ang bilog. Ang lahat ng boto matatanggap ng dating gobernor ng Batangas ay automatically mapupunta sa kanyang asawang si mayor Edna Sanchez bilang kapalit ng yumaong asawa sa governatorial position ng nacionalista party sa Batangas. Si Mayor Edna Sanchez ay matagal ng nanilbihan at isa siyang full time mayor, araw araw na naninilbihan sa taong bayan ng batangas. Karapat dapat niyang ipagpatuloy ang adhikain ng kaniyang asawa. Hindi ng Governor Vilma Santos- Recto na once a week kung pumasok para lamang pirmahan ang mga dokumento na pinapipirmahan sa kanya at mag utos sa mga tauhan niya.

Huwag mag-over vote o bumuto nang lampas pa sa takdang kandidato. Sa pagka gobernador isa lamang ang iyong maaaring iboto kaya ang ishade ang bilog na hugis itlog sa tabi ni Armando C. Sanchez. Para ito sa ikauunlad ng lungsod ng Batangas, ibalik ang dating Batangas.

Kapag natapos mo nang ishade ang bilog na hugis itlog para sa kursunada mong kandidato ay pumunta sa PCOS Machine at ipasok ang balota sa ballot entry slot para ka lang nagpapasok ng papel sa printer.

Intayin lumabas sa screen ang salitang “CONGRATULATIONS. YOUR VOTE HAS BEEN REGISTERED” para makasiguradong tinanggap ang iyong boto.

Hangad nating lahat ang malinis na halalan upang mabigyan ng buhay ang ating lungsod ng Batangas.

Tuesday, May 4, 2010

Paano tinaggap ng publiko ang pagpanaw ni Gov.Armando Sanchez

Lahat ay nagulat sa biglaang pagpanaw ni gov. Armando Sanchez lalo na ang mga mamayanan ng Batangas. Madami ang nalungkot at nanghinayang sa mga maiiwang adhikain ng dating gobernor ng Batangas at dating mayor ng Sto.Tomas. Binurol ang labi ng gov. Armando Sanchez sa kanilang farm sa Lipa.

Nagdagsaan ang mga Batagueño, kapamilya at kasama sa politika sa unang araw pa lang ng burol ng dating gobernor. Ito ay isang pangitain na mahal ng mamayanan ng Batangas ang kanilang tinaguriang full time governor ng Batangas. Hindi mabilang ang mga dumadating na tao para makiramay sa pamilya at sa asawa ng dating gobernor na si mayor Edna Sanchez.

Madami politiko ang nagpunta upang makiramay at masilip ang labi ni gov. Armando sanchez. Dumating din ang mga kapartido nila sa nacionalista party at ang standard bearer nitong si senador Manny Villar para makiramay at kumbinsihin si ginang Sanchez na humalili sa puwesto na tinatakbuhan ng kanyang namayapang asawa. Kandidato bilang gobernador ng Batangas. Upang may magtuloy ng mga adhikain ng dating gobernador.

Bakit hindi manlang nakiramay si Governador Vilma Sanchez? dahil nga ba ikinatuwa niya ito o di kaya naman dahil alam niyang hindi niya kasundo ang dating gobernador ng batangas?

Tuesday, April 20, 2010

Ibalik sa Kapitolyo Gov. Arman Sanchez

Busy ang Schedule ni Vilma Santos - Nakakasira yan sa pagiging artista..


Politicians have a very busy schedule but how come na mapagsasabay ng mga artistang politicians ang tapings bilang isang artista at ang public service bilang isang public official.  Hindi ba sila ngkaka-conflict of interest?  kasi based sa napapanood ko sa television halos wala ng tulog at lagi na lang puyat ang mga artista kapag may shooting o taping ng movie, teleserye or tv sitcom. Paano pa nila naiisingit sa busy schedule nila ang pagpunta sa munisipyo at ang mga bagay na dapat nilang gawin kaya sila binoto ng mga tao nasasakupan  nila. Mahirap yata pagsabayin ang dalawang propesyon na parehong nangangailangan gugulan ng mahabang oras at atensyon.
Kapag active pa sa show business ang isang artista malamang ay mapapabayaan na nya ang kanyang sinumpaang tungkulin sa kanyang constituents dahil sa kanyang busy schedule bilang isang artista. Hindi naman ako against sa mga artista turned public servant kahit bibihira lang sa mga artista turned public official ang tunay na lingkod at nagbigay ng serbisyong totoo sa kanyang sinasakupan.  Hindi dapat maging basehan ng ating pagpili ng ating iboboto  dahil sila ay sikat na artista.
Dapat siguro ay ipaubaya na lang natin sa may kakayahang panghawakan ang lahat ng pangangailanga ng lungsod ng batangas. Kagaya na lamang ni Gobernor Armando Sanches, ibalik sa una sa pinaka mayamang lungsod ang batangas. Ibalik natin si Gobernor Armando Sanchez.
Mag artista ka na lang kaya Governor Vilma Santos- Recto?

Thursday, April 8, 2010

Halalan 2006 sa Batangas - Eh pano na kaya ngayon?


Dalawang tauhan ng seguridad ni Gov. Armando Sanchez ay pinatay sa tambangan. Habang si Gobernador Armando Sanchez ay kasalukuyang naninilbihan bilang isang gobernador, ay nakaligtas sa pangyayari sa pagpapasabog ng sasakyan.
Ang Batangas Regional Trial Court ay nag isyu ng isang warrant of arrest para sa dating Batangas Vice Gov. Ricky Recto. Si Vice Gov. Ricky Recto ay mas batang kapatid na lalaki ng dating Senador  Ralph Recto at bayaw ng kasalukuyang Gobernadora Vilma Santos.


Maalalang umapila at humingi ng ang mga asawa ng isang body guard at driver ni Gobernor Armando Sanchez na namatay sa pagpapasabog ng sasakyan at sinasabing 
  
"Maawa na po kayo sa Amin. Bigyan n'yo po ng hustisya ang mga mahal namin sa buhay. Bilang aming punong lalawigan, tulungan po ninyo ang mga awtoridad na sumuko ang inyong bayaw. Alam pagbibigay ng pangalan nasa puso din ninyo na kami'y tulungan, "daing ni Florida O. Landicho sa Shaida D. Icaro.
"Paki-tulungan po kami. Halos apat na taon na ang nakalilipas wala pang nangyayari sa kaso. Dahil kaya nagbubulag-bulagan ang mga awtoridad? "Ito kaya ay dahil sa kami'y dukha lamang? Ang hustisya po ba sa ating bayan ay para sa mayayaman lang? Para na ninyong Awa. "
Bakit kaya hindi ito nabigyan ng solusyon ng kasalukuyang Gobernadora Vilma Santos? dahil ba na bayaw niya ito o  hindi naman kaya ay dahil ngakaroon din sila ng alitan? Imposible namang hindi niya alam kung nasaan ang dating Vice Gov. Ricky Recto hindi kaya ay pinoproteksyonan din nila or itinatago? Ano kaya sa tingin ninyo?
Samantalang ang Dating Gobernador Armand Sanchez ay nagbigay ng isang maikli at tuwiran pahayag: 
"Kahit na mahulog sa langit ang katarungan dapat gawin. Ako awa ng paghihirap at paghihirap ng mga kamag-anak ng aking dalawang pinatay tauhan ng seguridad. Matagal nang panahon ang nakakaraan pero tila inutil ang ating awtoridad na pasukuin sa batas si Recto. Kung Sino tao ang nagtatago sa kanya, sana makonsensiya. Matakot kayo sa karma. Hindi natutulog ang Diyos. "