Dito sa Tumalim National High School sa Nasugbu Batangas, naitayo ng dahil sa mga donors mapa ibang bansa basta kapwa pinoy. Isa sa mga donors para maitayo an aming paaraan dine sa Nasugbu, Batangas Barangay Mataas na pulo, Tumalim ay ang Gulf Net Establish of Riyadh, Saudi Arabia na nagkakahalaga ng P246,330.72 at siyempre hindi ito makukumpleto kung wala ang CGMA Various Donors at ang mga tao sa Batangas lalong lalo na ang dating Gobernador Armando Sanchez, na nagbigay ng mga aklat, at mga gamit na kakailanganin naming mga estudyante.
Nagpapasalamat nga pala kami sa mga nag donate para sa paaralan dito sa aming barangay dahil kung wala kaming paaralan malayo layo din an aming dadayuhin para kami ay magkaroon ng kaalaman.Salamat din sa dating Gobernador Armando Sanchez dahil pinaayos niya din an aming paaralan para lamang magkaroon kami ng court para sa iba’t ibang activities na gagawin ng mga estudyanteng katulad namin, nadagdagan na din an aming silid paaralan dahil na din sa pag aasikaso niya dito at nagpunta din dito sa amin si pangulong Gloria Arroyo para Makita an gaming kalagayan dito na nagbigay din ng suporta para madagdagan an gaming silid aralan, talagang naniniwala ako na mahalaga ang edukasyon para sa dating Gobernador Armando Sanchez.
Samantala ang bago naming Gobernador Vilma Santos - Recto ay binigyan naming nang pagkakataon na umupo bilang Gobernador sa pag aakalang mahihigitan pa niya ang kayang gawin ni Gobernador Armando Sanchez, ngunit madami kaming nagkamali, nangyari ang iyon ng ipaghanada naming siya sa aming paaralan para bigyan siya ng magandang pagsalubong sa pagdalo sa aming paaralan pero kami ay nadismaya ng mga tauhan lamang niya ang dumating at may hawak na sulat at humihingi ng pasensiya sa hindi pagpunta, hindi sinabi ang dahilan pero sigurado kaming may shooting dahil yung mga panahon na yoon ay mayroon silang bagong pelikula na gagawin. Hindi nanaman natugunan ang pangangailangan naming mga estudyante, kulang kami sa silid aralan at madami na din na kailangan ipaayos, dumadami na din kasi ang populasyon sa paaralan ng Tumalin National High School . May kompyuter kami pero kapos naman limang kompyuter sa napaka daming estudyante nagsisiksikan kami kaya kailangan lang maging maalam at mag focus sa aming pag aaral kahit na naghihiaman kami sa limang kompyuter. Hindi manlang nadagdagan ang mga kagamitan n aming paaralan mula ng naupo si Gobernador Vilma Santos – Recto na inaasahan naming dahil 600 pesos lang ang kontribusyon ng bawat estudyante sa paaralan naming ito dahil mahihirap lamang din kami.
No comments:
Post a Comment