Wednesday, March 3, 2010

VILMA SANTOS – Isyu sa Pagka Gobernador sa Batangas

Totoo nga bang hindi nagpasahod si Gobernador Vilma Santos sa mga Doktor at Nurses?  Totoo nga ba ang Gobernador ng Batangas ay nasa munisipyo lang ng Batangas tuwing Lunes ng umaga para dumalo lamang sa Flag Ceremony? 

Ayon sa ulat ng Abante Tonite napaka dami daw nilang natatanggap na text at e-mails na nagsasabing tuwing lunes lamang nakikita itong ating Gobernador sa munisipyo na ginawa at pinaganda noon ng  ating dating gobernador ng batangas na si Armando Sanchez na si Gobernador Vilma Santos naman ang nakinabang. Totoo nga ba na hindi malapitan si Gobernador Vilma Santos sa panahon ng kailangan ito ng taong bayan ng Batangas dahil wala ito mula martes hanggang matapos na ang buong linggo at magpapakitang muli sa munisipyo kapag dumating ang panibagong lunes? Bali balitang nag shooting daw ito para sa mga pelikula at komersyal ng kanilang pamilya para sa dadating na halalan. Aha! Mukha yatang nagkamali ako sa aking binoto bilang tatayong Gobernador ng aking bayan sa Batangas. Inakala ko kasing matutugunan niya ang pagiging Gobernador dahil naging darna siya sa pelikula, inakala ko kasing matutulungan niya ang bayan ng Batangas sa kahirapan lalo na pagdating sa Edukasyon ng mayroong mababang uri ng pamilya dito sa Batangas gaya ko.

Totoo nga ba ang bintang kay Gobernadro Vilma Santos na hindi nagpasahod sa mga Probinsyal Health Workers? Bilang isang Batanguena eh masasabi kong totoo nga na ang lugar namin ay nakararanas ng kakapusan sa gamot pati yung mga makina para sa pag di-dialysis at madami pang iba na tinugunan ng pansin ng dating gobernador na si Armando Sanchez ay pinabayaan lamang na masira. Hindi talaga siya nagkakaroon ng panahon na tugunan ang mga ospital dito sa Batangas dahil lagi siyang may preskon para sa kanyang mga pelikula at kung minsan naman ay nasa ibang bansa para I promote ang kanyang pelikula para sa mga kapwa nating Pilipino. Lalo na nung mga nakalipas na buwan! Nag shu-shooting pa ito para sa komesyal nila ng kanyang asawa na si Ralph Recto! Kaya panigurado yung mga ibang kababayan naming na lumalapit sa kanya noong mga nakaraang buwan eh wala naman siya! Madami din namang makapag papatunay na mga workers sa mga Ospital ng Batangas na hindi tinutugunan ng pansin ng Gobernador ang mga daing at pangangailangan ng mga ospital lalo na sa gamot. Malamang nagpupunta lamang siya sa mga Ospital para I promote bilang kandidato ang kanyang asawa sa pagtakbo at pagbalik bilang senador, ngayong dadating na halalan.

Tsk..tsk..tsk…

Aba! Eh kapag nakadating ito sa kanila malamang eh magmamadali silang kumilos para maging malinis at manalo sa dadating na halalan. Ako bilang isa sa mga kabataan na gusto ng pagbabago eh titignan ko nalang ang mga kabutihang nagawa ng isang tatakbo at uupo bilang Gobernador ng Batangas, kasi hindi naman lahat ng tumatakbo eh perpekto ang importante matugunan ang pangagailangan ng bayan. Kaya ipa-patrol ko dito sa aking blog ang mga aking nalalaman para sa aking lugar ng Batangas lalo na para sa kinabukasan naming mga kabataan.

9 comments:

  1. Basta ako ayoko sa mga artista, bukod sa mga hindi kwalipikado ang mga artista/pulitikong ito, nakakayamot isiping wala naman talaga silang kayang gawin kundi ang umarte sa harap ng kamera. Kung ating pakaiisipin, ilang artista naba ang ating iniluklok na mas marami pang iskandalong kinasangkutan kesa ang magsilbi sa bayan? Buti pa nga si Sanchez eh, may naitulong nung panahon ng pananalasa ng bagyong Ondoy, eh si Vilma nasaan nung panahong yun? andun busy sa pagpromote ng Pelikula nya... Kaya ako ayoko sa mga ARTISTA...

    ReplyDelete
  2. Tama yan. Mag patrol ka sa Batangas ako dito sa Montalaban. Dapat tayong mga Pinoy eh binabantayan ang mga nangyayari sa bansa natin para masigurado na matino ang mga punino natin.

    Kung si Vilma ay isang walang kwentang lider then dapat siyang parusahan.

    Dapat sa mga walang silbing politiko eh shoot to kill!

    ReplyDelete
  3. Salamat pala sa pagbisita sa aking blog. :-)

    ReplyDelete
  4. onga naman kung talgang darna siya ng Batangas bakit nag kakaganito ang batngas, sana naman sa susunod na iboboto natin yung talagang mahal ang batangas wag yung pa petiks petiks lang walang manyayare sa taong bayan pag ganyan lang ang namumuno, example lang diyan si Gov. Vilma Santos, wag nalang siya tumakbo ulit sa pagiging gobernador ndi naman talaga taga batangas yan....

    ReplyDelete
  5. meron po akong nabasa sa taas parang nakakarelate ako sa topic... nagpunta kame dun sa tanggapan ni Gov.Vilma twice kase po meron pong ipapakiusap yung tatay ko dahil po yung kalsada dito saamen pinatag na dati pero hanggang ngaun ndi parin nasesementuhan
    sobrang perwisyo po saamen lalo na kapag tag ulan putik ang dadaanan... nung kame ang pumunta sa tanggapan ni ate V wala kaming nakita ang sabi lang saamen busy ang gov wala daw po doon
    idol na idol ni nanay yun kase kea nmin binoto
    akala nmen talgang matutulungan kame... tama po kayo buti pa nga po si sanchez tumutulong kahit na wala na sya sa pwesto.... siguro nman alam din ito ng mga kapwa ntin batangueno... pakiusap lang mag tulungan tayo... nalaman ko din pla na si ate V ndi pla talga tunay na batangueno...

    ReplyDelete
  6. tama, akala ko ba nde na tatakbo yan c villma natalo lang yung asawa tatakbo na ulit? haha and besides wala pa talga ako narinig na ginawa nyang maganda. well dapat lang magising na talga mga botante ng batangas panahon na pra umunlad na ang batangas. go Armando Sanchez ^^

    ReplyDelete
  7. masasabi ko lang dapat sana mabasa to ng mga ibang batanggenyo para alam nila na mali na pala ang pag papatakbo ni vilma santos sa batangas.. may iba kasi na di naman ng babasa ng dyaryo or any other blogs. kaya mang yayari sa knikilalang darna parin sila b0b0to.. ( un ung mga walang alam ) Mga nabubulag sila sa kasikatan at di na tuloy napapansin ang kung nakakatulong ba sa kanila ang binoboto nila o hindi. sana makita nila kung sino talaga ang karapat dapat na iboto para umpo bilang Gobernador ng Batangas.. Naniniwala akong mas magagampanan ni Mr. Armando Sanchez ang tungkulin para sa mga batangueño dahil isa rin sya na tunay na batangueño. A full time Gobernor na mag lilingkod para sa kanyang bayan. Anyway, This is is a really nice blog.

    ReplyDelete
  8. salamat sa blog na toh at naliwanagan ako.. aanhin mo ang kasikatan kung sa harap lng nang camera.. hndi pa nmn huli ang lahat~ nanjan naman si armando sanchez.. nakita nang subok at maasahan!

    ReplyDelete
  9. kung ganyan talaga ang pagpatakbo ni VS sa batangas edi alam na kung sino ang iboboto sa darating na halalan, kung puro shooting at pag arte lang ang alam niya dun nalang siya at pabayaan na niyang mamuno ang mga may kakayahan na pagandahin pa ang batangas. alamin muna dapat ng lahat kung sino talaga ang binoboto nila bago bumoto dahil ang mga taga batangas din ang magsisisi pag nagkamali sa pagpili. hindi uunlad ang batangas dahil sa powers ni darna. lalong hindi uunlad ang batangas kapag tuwing lunes lang nasa munisipyo nagpapakita ang namumuno, sana malaman ito ng lahat para maboto na ang nararapat..
    Arman Sanchez! for governor!

    ReplyDelete