Thursday, May 6, 2010

PUNUIN NG SHADE ANG BILOG NA HUGIS ITLOG SA TABI NG PANGALAN NI ARMANDO C. SANCHEZ

Sa Mayo 10,2010, Pumunta sa polling precinct to exercise our right to vote. Pagdating sa iyong presinto, hanapin ang iyong pangalan sa precinct computerized voters list nakalagay sa may pinto at alamin ang iyong precinct number at sequence number. Lumapit san naka assign na guro at ibigay ang iyong pangalan at ibang impormasyon na kailangan.

Ang susunod na tagpo ay hahanapin ng teacher na in-charge ang iyong pangalan sa election day computerized voters list. Kung nakasulat ang pangalan mo dun, titignan nga kung ikaw talaga yun sa pamamagitan ng litrato o pirma sa Voters Registration Record ,o ano pang dokumento na maaring magpatunay na ikaw nga yun. Kaya magdala ng kahit anong mang proof of identity o valid ID.

Itse-tsek ang iyong kuko kung meron na itong marka ng indelible ink. Kung wala, ibibigay na sayo ang isang balota at bibigyan ka ng instructions kung paano magfill up ng balota. Gamitin ang marker at secrecy folder habang bumoboto.

Punuin ng shade ang bilog sa tabi ng pangalan ni Armando C. Sanchez.Hindi check, ekis, hugis puso o ano pang hugis basta punuin lang ng shade ang bilog. Ang lahat ng boto matatanggap ng dating gobernor ng Batangas ay automatically mapupunta sa kanyang asawang si mayor Edna Sanchez bilang kapalit ng yumaong asawa sa governatorial position ng nacionalista party sa Batangas. Si Mayor Edna Sanchez ay matagal ng nanilbihan at isa siyang full time mayor, araw araw na naninilbihan sa taong bayan ng batangas. Karapat dapat niyang ipagpatuloy ang adhikain ng kaniyang asawa. Hindi ng Governor Vilma Santos- Recto na once a week kung pumasok para lamang pirmahan ang mga dokumento na pinapipirmahan sa kanya at mag utos sa mga tauhan niya.

Huwag mag-over vote o bumuto nang lampas pa sa takdang kandidato. Sa pagka gobernador isa lamang ang iyong maaaring iboto kaya ang ishade ang bilog na hugis itlog sa tabi ni Armando C. Sanchez. Para ito sa ikauunlad ng lungsod ng Batangas, ibalik ang dating Batangas.

Kapag natapos mo nang ishade ang bilog na hugis itlog para sa kursunada mong kandidato ay pumunta sa PCOS Machine at ipasok ang balota sa ballot entry slot para ka lang nagpapasok ng papel sa printer.

Intayin lumabas sa screen ang salitang “CONGRATULATIONS. YOUR VOTE HAS BEEN REGISTERED” para makasiguradong tinanggap ang iyong boto.

Hangad nating lahat ang malinis na halalan upang mabigyan ng buhay ang ating lungsod ng Batangas.

Wednesday, May 5, 2010

Dapat Iboto Si Edna Sanchez Para Matuloy Ang Adhikain ni Armando Sanchez


Si mayor Edna Sanchez ang perfect replacement para pagka gobernador ng Batangas sa kanyang namayapang asawa na si governor Armando Sanchez. Ang dating governor ang naging inspiration at teacher ni mayor Edna Sanchez sa pagpasok nya sa politika at si Arman Sanchez din ang nag udyok sa kanyang asawa upang pasukin ang magulong mundo ng politika dahil alam ng dating governor na likas sa kanyang asawa ang pagtulong at pagserbisyo sa publiko.
Si mayor Edna Sanchez ang humalili bilang mayor ng Sto.Tomas Batangas ng naging governor ng Batangas si Arman Sanchez. Napagpatuloy ni mayor Edna Sanchez ang mga nasimulang proyekto ng kanyang asawa at mga adhikain nito bilang mayor. Madaming natutunan ang mayor ng Sto.Tomas Batangas sa kanyang asawa sa larangan ng politika at pagnenegosyo.  Maari nya itong magamit upang mapaunlad ang lalawigan ng Batangas.
Ngayon na magkatunggali na si Mayor Edna Sanchez ang may bahay ng Ex Gobernador Armando Sanchez, sino na nga ba ang karapat dapat na tumuloy ng isang magandang adhikain ni Arman Sanchez? Si Vilma Santos- Recto ba na wala ng ginawa kung hindi ang mag shooting ng mga palabas o ang full time mayor ng batangas na si Edna Sanchez?  Dapat siguro ay ipagpatuloy na lamang ni Governor Vilma Santos- Recto ang pag a-artista ngayon at meron na naman siyang bagong pelikula na gagawain kasama si Sharon Cuneta.
Hahayaan ba natin ito na nagbabayad tayo ng buwis sa isang artista na once a week lamang kung pumasok?? Sa tingin po ba natin ay magagawa pa niya ng tama ang magagandang proyekto para sa batangas kung ang Governor Vilma Santos- Recto ay ibibilin na lamang sa kanyang mga utusan ang dapat na ginagawa niya?
Ilang araw na lamang at halalan na, sana ay maging matagumpay ito ng walang karahasan, dayaan o kaguluhan na magaganap. Pumili sana tayo ng tama. Hindi porke artista at kilala ibinoboto na natin. Tandaan lagi natin na kapakanan ng Pilipinas ang nakasalalay dito.
   

Tuesday, May 4, 2010

Tama bang magdiwang si Vilma Santos-recto dahil sa pagkamatay ni Armando Sanchez

Sa mga oras na ito malamang ay nagdiriwang na sa Kapitolyo si Vilma Santos-recto sa pagpanaw ng kanyang pinakamahigpit na kalaban sa politika at sa pagkagobernador ng Batangas. Sa pagkaalam ni Mrs.Recto, si Arman Sanchez lamang ang may kakayahan tumalo sa kanyang ngayon eleksyon sa pagkagobernador ng Batangas.

Malaking tinik ang nabunot sa lalamunan ni Mrs.Recto ng sumakabilang buhay ang nag –iisang full time governor ng Batangas. Ngunit doon nagkamali si Mrs.Recto, masyado ng madami ang nasimulan si governor Arman Sanchez para mahinto ito dahil sa kanyang pagpanaw dapat may magtuloy ng kanyang mga nasimulan at dapat may kumalaban sa once a week governor ng Batangas na si Mrs.Vilma Santos-Recto.

Bakit kamo tinawag kong once a week governor ng Batangas? Kasi once a week lamang ito mamalagi sa kanyang opisina sa kapitolyo. Lalo na siguro kung papalarin manalo ang kanyang asawang si Mr. Ralph “EVAT” Recto sa pagka-senador malamang hindi na natin lalong makikita sa kapitolyo ng Batangas si Mrs.Recto.

Hindi pa oras para magsaya si Mrs.Recto dahil hindi papayag ang mga taga Batangas na mahinto ang mga adhikain ni governor Sanchez at hindi pa tapos ang laban.

Paano tinaggap ng publiko ang pagpanaw ni Gov.Armando Sanchez

Lahat ay nagulat sa biglaang pagpanaw ni gov. Armando Sanchez lalo na ang mga mamayanan ng Batangas. Madami ang nalungkot at nanghinayang sa mga maiiwang adhikain ng dating gobernor ng Batangas at dating mayor ng Sto.Tomas. Binurol ang labi ng gov. Armando Sanchez sa kanilang farm sa Lipa.

Nagdagsaan ang mga Batagueño, kapamilya at kasama sa politika sa unang araw pa lang ng burol ng dating gobernor. Ito ay isang pangitain na mahal ng mamayanan ng Batangas ang kanilang tinaguriang full time governor ng Batangas. Hindi mabilang ang mga dumadating na tao para makiramay sa pamilya at sa asawa ng dating gobernor na si mayor Edna Sanchez.

Madami politiko ang nagpunta upang makiramay at masilip ang labi ni gov. Armando sanchez. Dumating din ang mga kapartido nila sa nacionalista party at ang standard bearer nitong si senador Manny Villar para makiramay at kumbinsihin si ginang Sanchez na humalili sa puwesto na tinatakbuhan ng kanyang namayapang asawa. Kandidato bilang gobernador ng Batangas. Upang may magtuloy ng mga adhikain ng dating gobernador.

Bakit hindi manlang nakiramay si Governador Vilma Sanchez? dahil nga ba ikinatuwa niya ito o di kaya naman dahil alam niyang hindi niya kasundo ang dating gobernador ng batangas?

Thursday, April 29, 2010

Ituloy ang laban ni Armando Sanchez

Dapat may magtuloy ng magagandang nasimulan ni governor Arman Sanchez sa Batangas. Nakakalungkot mang isipin na pumanaw na ating pinakamamahal na governor Arman Sanchez ngunit dapat hindi mamatay ang kanyang mga adhikain, proyekto at plano para sa kanyang pinakamamahal na Batangas. Malaki ang panghihinayang naming mga Batangueño sa paglisan ni gov sa kadahilanan na napakarami na nyang nagawa sa Batangas at mga balak pa lang niyang proyekto sa kanyang sinasakupan.

Isang tao lamang ang aking naiisip at napupusuan para humalili sa mga iniwang adhikain ni governor Arman at walang iba kundi ang kanyang may bahay na si mayor Edna Sanchez ng Sto.Tomas Batangas. Hindi din matatawaran ang mga nagawa ni mayor edna sa Sto.Tomas Batangas at paano nila napaunlad ang Sto.Tomas. Nagsimulang umunlad ang Sto.Tomas ng maupong mayor si governor Arman, sa dalawang term nitong bilang mayor nai-angat nya ang Sto.Tomas from 5th class to 1st class municipality. Pinagpatuloy ni mayor Edna Sanchez ang lahat ng nasimulan ng kanyang asawa at dinagdagan pa nya ito ng magagandang proyekto na tumulong sa Sto.Tomas. Naging magaling at maasahan mayor si ginang Edna Sanchez ng Sto.Tomas at hindi malayo na magawa nya din ito sa buong Batangas.

Sana makapag isip ang taong bayan ng Batangas, para na lamang sa ikakauunlad ng ating bayan. Isipin natin ang mga nagawa ng tao bago bumoto. malapit lapit na din ang botohan.

Tuesday, April 27, 2010

Paano na ang Batangas Ngayo’y Wala Na Ang Mahal Nating Full Time Governor???

Former Batangas governor and two term mayor of Sto.Tomas Batangas na si governor Armando Sanchez ay sumakabilang buhay nitong Martes ng gabi sa Mary Mediatrix Medical Center sa Lipa city Batangas. Isinugod sa ospital noong Lunes ng tanghali matapos mawalan ng malay habang kinakausap ang mga empleyado ng Ladeco feed mill. Agad naman nag undergo sa CT scan at surgery si governor. Bumilang din ng ilang oras ang ginawang operasyon upang malunas ang pumutok na ugat sa utak ng governor at malaman kung gaano kagrabe ang pinsalang natamo ng utak ng governor. Napagkaalam sa operasyon na five to ten percent na lamang ang survival rate ng full time governor ng Batangas.

April 27,2010 @ 7:20pm sumakabilang buhay si governor Armando Sanchez. Ayon kay Dr. Robert Magsino ang sanhi ng pagkamatay ni governor Armando Sanchez ay Cerebral hemorrhage. Ang Cerebral hemorrhage occurs when a diseased blood vessel within the brain bursts, allowing blood to leak inside the brain. Cerebral ay cerebrum o isang part ng brain at hemorrhage simply means bleeding o pagdurugo. Ang mga risk factors ng cerebral hemorrhage ay hypertension, diabetes and menopause. Ang mortality rate ng sakit na ito ay 34%-50% at kalahati sa mga namamatay sa sakit na ito ay pagkalipas unang dalawang araw.

Ngayon ang lahat ng taong nabigyan ng magandang serbisyo n gating full time ex – governor ay nagluluksa, hindi na umaasa pang maibabalik ang kagandahan ng lungsod ng batangas, hindi na maibabalik sa una sa pinaka mayamang lungsod ang batangas. Wala ng didinig sa mga daing ng taong bayan sa batangas.

Totoo nga ba ang kumakalat na tuwang tuwa si Governor Vilma Santos- Recto sa sinapit ni Ex-Governor Armando Sanchez sapagkat napakalaki na ng kanyang pagkakataon maupo muli sa kapitolyo na pinaghirapan ayusin at pagandahin ni Armando Sanchez na sobrang pinakinabangan ni Vilma Santos- Recto. Dahil na din ito sa mga intension niya na palakihin muli ang kanyang mansion sa batangas.

Wala ng pag asa ang lungsod ng batangas na umunlad kung ang magpapalakad muli ang Gov. Vilma Santos-Recto dahil nga naman once a week lng siyang nasa kapitolyo.

Monday, April 26, 2010

Vilma Santos-Recto dapat ma-disqualified


The official campaign guidelines set under Resolution 8758 or the Rules and Regulations implementing Republic Act 9006 (Fair Election Practices Act) by the Commision of Election.  Written and printed campaign materials must not exceed 81/2 inches by 14 inches in size while posters must not exceed 2 ft. by 3 ft.  Violation of Resolution 8758 constitutes an election offense, which is punishable by one to six years imprisonment, disenfranchisement, and disqualification from holding public office. 

Is there an exemption kung ikaw ay incumbent public official? Sapagkat napakarami kong nakikitang poster ni Governor Vilma Santos-Recto ng Batangas na mas dihamak na malaki sa guidelines na binigay ng comelec. Noong una pagkakamalan mong idorsement ng isang produkto ang mga billboards at poster ni governor Vi sa kadahilanan na kasing laki ito ng mga billboards na makikita mo along Edsa. This oversized posters clearly promotes her candidacy for governor of Batangas. 
Hindi ba unfair ito sa mga kalaban niya sa politika? Lamang na nga siya sa publicity at popularity dahil siya ay isang artista. Ginagamit pa niya ang pondo ng Batangas para sa sariling interest sa pag imprenta ng naglalakihan poster at billboards.