Tuesday, April 27, 2010

Paano na ang Batangas Ngayo’y Wala Na Ang Mahal Nating Full Time Governor???

Former Batangas governor and two term mayor of Sto.Tomas Batangas na si governor Armando Sanchez ay sumakabilang buhay nitong Martes ng gabi sa Mary Mediatrix Medical Center sa Lipa city Batangas. Isinugod sa ospital noong Lunes ng tanghali matapos mawalan ng malay habang kinakausap ang mga empleyado ng Ladeco feed mill. Agad naman nag undergo sa CT scan at surgery si governor. Bumilang din ng ilang oras ang ginawang operasyon upang malunas ang pumutok na ugat sa utak ng governor at malaman kung gaano kagrabe ang pinsalang natamo ng utak ng governor. Napagkaalam sa operasyon na five to ten percent na lamang ang survival rate ng full time governor ng Batangas.

April 27,2010 @ 7:20pm sumakabilang buhay si governor Armando Sanchez. Ayon kay Dr. Robert Magsino ang sanhi ng pagkamatay ni governor Armando Sanchez ay Cerebral hemorrhage. Ang Cerebral hemorrhage occurs when a diseased blood vessel within the brain bursts, allowing blood to leak inside the brain. Cerebral ay cerebrum o isang part ng brain at hemorrhage simply means bleeding o pagdurugo. Ang mga risk factors ng cerebral hemorrhage ay hypertension, diabetes and menopause. Ang mortality rate ng sakit na ito ay 34%-50% at kalahati sa mga namamatay sa sakit na ito ay pagkalipas unang dalawang araw.

Ngayon ang lahat ng taong nabigyan ng magandang serbisyo n gating full time ex – governor ay nagluluksa, hindi na umaasa pang maibabalik ang kagandahan ng lungsod ng batangas, hindi na maibabalik sa una sa pinaka mayamang lungsod ang batangas. Wala ng didinig sa mga daing ng taong bayan sa batangas.

Totoo nga ba ang kumakalat na tuwang tuwa si Governor Vilma Santos- Recto sa sinapit ni Ex-Governor Armando Sanchez sapagkat napakalaki na ng kanyang pagkakataon maupo muli sa kapitolyo na pinaghirapan ayusin at pagandahin ni Armando Sanchez na sobrang pinakinabangan ni Vilma Santos- Recto. Dahil na din ito sa mga intension niya na palakihin muli ang kanyang mansion sa batangas.

Wala ng pag asa ang lungsod ng batangas na umunlad kung ang magpapalakad muli ang Gov. Vilma Santos-Recto dahil nga naman once a week lng siyang nasa kapitolyo.

4 comments:

  1. Condolence sa inyo d'yan Kylie. No one should be happy with other people's death kahit na kalaban mo pa siya.

    May the Lord accept his soul in heaven.

    Amen.

    ReplyDelete
  2. salamt Ishmael, pro balita dito na natutuwa na daw si Gov. Vilma kasi malaki na daw ang tiyansa nya na manalo muli.

    Sna nga..

    ReplyDelete
  3. Dapat may muling mamuno na isang arman sanchez sa Batangas, kawawa ang Batangas kung pamumunuan ng mga pulitikong wala namang alam kundi ang pansariling layunin lamang...

    Ngayong wala na sa Arman, paano na ang Batangas?

    ReplyDelete
  4. Di dapat magsaya si incumbent Governor Vilma Santos-Recto sapagkat alam naman nating lahat na hindi pa tapos ang laban ni Arman Sanchez...

    Muli may isang maninindigan upang isulong ang kanyang mga nasimulan...
    Laban ni Arman

    ReplyDelete