Lahat ay nagulat sa biglaang pagpanaw ni gov. Armando Sanchez lalo na ang mga mamayanan ng Batangas. Madami ang nalungkot at nanghinayang sa mga maiiwang adhikain ng dating gobernor ng Batangas at dating mayor ng Sto.Tomas. Binurol ang labi ng gov. Armando Sanchez sa kanilang farm sa Lipa.
Nagdagsaan ang mga Batagueño, kapamilya at kasama sa politika sa unang araw pa lang ng burol ng dating gobernor. Ito ay isang pangitain na mahal ng mamayanan ng Batangas ang kanilang tinaguriang full time governor ng Batangas. Hindi mabilang ang mga dumadating na tao para makiramay sa pamilya at sa asawa ng dating gobernor na si mayor Edna Sanchez.
Madami politiko ang nagpunta upang makiramay at masilip ang labi ni gov. Armando sanchez. Dumating din ang mga kapartido nila sa nacionalista party at ang standard bearer nitong si senador Manny Villar para makiramay at kumbinsihin si ginang Sanchez na humalili sa puwesto na tinatakbuhan ng kanyang namayapang asawa. Kandidato bilang gobernador ng Batangas. Upang may magtuloy ng mga adhikain ng dating gobernador.
Bakit hindi manlang nakiramay si Governador Vilma Sanchez? dahil nga ba ikinatuwa niya ito o di kaya naman dahil alam niyang hindi niya kasundo ang dating gobernador ng batangas?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment