Thursday, April 29, 2010

Ituloy ang laban ni Armando Sanchez

Dapat may magtuloy ng magagandang nasimulan ni governor Arman Sanchez sa Batangas. Nakakalungkot mang isipin na pumanaw na ating pinakamamahal na governor Arman Sanchez ngunit dapat hindi mamatay ang kanyang mga adhikain, proyekto at plano para sa kanyang pinakamamahal na Batangas. Malaki ang panghihinayang naming mga Batangueño sa paglisan ni gov sa kadahilanan na napakarami na nyang nagawa sa Batangas at mga balak pa lang niyang proyekto sa kanyang sinasakupan.

Isang tao lamang ang aking naiisip at napupusuan para humalili sa mga iniwang adhikain ni governor Arman at walang iba kundi ang kanyang may bahay na si mayor Edna Sanchez ng Sto.Tomas Batangas. Hindi din matatawaran ang mga nagawa ni mayor edna sa Sto.Tomas Batangas at paano nila napaunlad ang Sto.Tomas. Nagsimulang umunlad ang Sto.Tomas ng maupong mayor si governor Arman, sa dalawang term nitong bilang mayor nai-angat nya ang Sto.Tomas from 5th class to 1st class municipality. Pinagpatuloy ni mayor Edna Sanchez ang lahat ng nasimulan ng kanyang asawa at dinagdagan pa nya ito ng magagandang proyekto na tumulong sa Sto.Tomas. Naging magaling at maasahan mayor si ginang Edna Sanchez ng Sto.Tomas at hindi malayo na magawa nya din ito sa buong Batangas.

Sana makapag isip ang taong bayan ng Batangas, para na lamang sa ikakauunlad ng ating bayan. Isipin natin ang mga nagawa ng tao bago bumoto. malapit lapit na din ang botohan.

No comments:

Post a Comment