Wednesday, May 5, 2010

Dapat Iboto Si Edna Sanchez Para Matuloy Ang Adhikain ni Armando Sanchez


Si mayor Edna Sanchez ang perfect replacement para pagka gobernador ng Batangas sa kanyang namayapang asawa na si governor Armando Sanchez. Ang dating governor ang naging inspiration at teacher ni mayor Edna Sanchez sa pagpasok nya sa politika at si Arman Sanchez din ang nag udyok sa kanyang asawa upang pasukin ang magulong mundo ng politika dahil alam ng dating governor na likas sa kanyang asawa ang pagtulong at pagserbisyo sa publiko.
Si mayor Edna Sanchez ang humalili bilang mayor ng Sto.Tomas Batangas ng naging governor ng Batangas si Arman Sanchez. Napagpatuloy ni mayor Edna Sanchez ang mga nasimulang proyekto ng kanyang asawa at mga adhikain nito bilang mayor. Madaming natutunan ang mayor ng Sto.Tomas Batangas sa kanyang asawa sa larangan ng politika at pagnenegosyo.  Maari nya itong magamit upang mapaunlad ang lalawigan ng Batangas.
Ngayon na magkatunggali na si Mayor Edna Sanchez ang may bahay ng Ex Gobernador Armando Sanchez, sino na nga ba ang karapat dapat na tumuloy ng isang magandang adhikain ni Arman Sanchez? Si Vilma Santos- Recto ba na wala ng ginawa kung hindi ang mag shooting ng mga palabas o ang full time mayor ng batangas na si Edna Sanchez?  Dapat siguro ay ipagpatuloy na lamang ni Governor Vilma Santos- Recto ang pag a-artista ngayon at meron na naman siyang bagong pelikula na gagawain kasama si Sharon Cuneta.
Hahayaan ba natin ito na nagbabayad tayo ng buwis sa isang artista na once a week lamang kung pumasok?? Sa tingin po ba natin ay magagawa pa niya ng tama ang magagandang proyekto para sa batangas kung ang Governor Vilma Santos- Recto ay ibibilin na lamang sa kanyang mga utusan ang dapat na ginagawa niya?
Ilang araw na lamang at halalan na, sana ay maging matagumpay ito ng walang karahasan, dayaan o kaguluhan na magaganap. Pumili sana tayo ng tama. Hindi porke artista at kilala ibinoboto na natin. Tandaan lagi natin na kapakanan ng Pilipinas ang nakasalalay dito.
   

No comments:

Post a Comment