Politics is a full time job. If elected as a public official, dapat gampanan mo ang iyong tungkulin at ibigay mo ang iyong 100% at huwag mong gawing parang part time job ang pagiging public official. May mga nababasa kasi ako sa dyaryo at may napapanood sa TV na may mga mga elected public officials na bihira mamataan sa kanilang opisina sa munisipyo. Especially yun mga showbiz personalities turned politicians.
A good example of this is ay yun governor namin ay halos once a week lang makita sa opisina nito sa munisipyo. Ayon sa aking kaibigan kaya bihira daw makapagtrabaho ang kanilang governor sa opisina nito sa munisipyo ay dahil busy ito sa mga proyekto nya sa showbiz. During daw kasi sa term nya as a governor ng Batangas ay makagawa pa ito ng pelikula na tinaping sa America at after matapos nung movie ay naging busy naman ang governador sa promotion ng nasabing pelikula at mga premier night sa ibat-ibang bansa.Bukod sa pagka busy sa paggawa ng pelikula ay may mga kabila-kabilang TV shows kagaya ng pagganap nya sa maalaala mo kaya, na gumanap sya bilang isang guro na may anak na mayroong hindi pangkaraniwang karamdaman. Kaya ang katanungan ng nakakarami sa Batangas ay…….
Sapat na ba ang isang araw sa isang linggo para mapagsilbihan mo ang mga naghalan sayo?
Tuesday, April 20, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment