Sa Balayan, Batangas tuwing ika-24 ng hunyo ay ginaganap ang parada ng lechon. Ito din ay feast day ni St. John the Baptist. Hindi lamang ang Cebu at Laloma ang sikat sa lechon, Ang Balayan, Batangas din ay kilala ay larangan ng paglelechon. Ito ay isa sa pinakapaboritong delicacy ng mga Batangueños kaya tuwing may fiesta. Hindi nawawalan ng lechon ang kanilang handa at naging tradisyon na sa ating mga Pilipino na maghanda ng lechon tuwing may kasiyahan.
Tuwing parada ng lechon sa Balayan, Batangas mahigit kumulang 50 hanggang 100 lechon ang pinaparada sa kalsada. Ang iba ay nakasakay sa ibabaw ng jeep, sa ibabaw ng motorsiklo at iba naman ay buhat-buhat ng mga tao ang kanilang dalang lechon. May kanyang kanya style ang mga lechon na sumasali sa parada, may naka damit ng nurse, pulis, estudyante, zorro, super heroes at ibat-ibang sikat na celebrities.
Ang Hunyo 24 ay pista ni San Juan kaya hindi din nawala ang basaan ng tubig sa parada ng lechon sa Balayan, Batangas. Kagaya din ng celebration sa San Juan Manila na puede mong buwusan ng tubig kahit sinong nasa kalsada. Ang ibang ay gumagamit ng tabo, ang iba naman ay may dalang hose at meron din water gun ang gamit pangbasa sa mga tao. Ang pagbasa ng tubig ay naging tradisyon na sa ating mga Pilipino tuwing pista ng San Juan marahil sa pagsasadula ng pagbinyag ni San Juan kay Hesu Kristo sa pamamagitan ng pagbuwas ng tubig.
Sa pagkatapos ng parada. Ito na ang tamang oras upang ihain at pagsaluhan ang mga ipinaradang lechon.
No comments:
Post a Comment