Chicken Binakol ay nagmula sa probinsya ng Batangas. Maaaring ihalintulad ang chicken binakol sa mas kilalang chicken soup sa maynila na tinola. Mas masarap lang ang chicken binakol sa tinola dahil ang sabaw ng tinola ay gawa sa tubig at ang sabaw ng chicken binakol ay gawa sa sabaw ng buko. Ang pagluto ng chicken binakol ay mag gisa ng bawang, sibuyas at luya sa mantika. Ingatan huwag masunog ang ginisa para wag maglasang sunog ang sabaw. Pag katapos mag gisa, ihalo na ang manok at timplahan ng patis na naaayon sa iyong panglasa. Gisahin ang manok hanggat lumabas ang katas nito at haluin paminsan minsan. Ilagay ang sabaw ng buko at pakuluin ng limang minuto. Kayurin ang laman ng buko at ihalo sa pinakuluang manok. Maglagay ng pamintang buo depende sa iyong kagustuhan pero mga pito hanngang sampung paminta ay sapat na. Pakuluan muli ng sampung minute. Pagkatapos ay ilagay ang nahiwang oyster mushrooms at pakuluan muli ng tatlong minute bago ilagay ang dahon ng spinach. Timplahan ng asin at pakuluan ng isang minuto. Maaari din maglagay ng siling labuyo kung gusto mo ng maanghang na sabaw. Para mas maganda ang presentasyon, ihain ito sa gamit ang bao ng buko.
Mga rekadong ginamit sa pagluto ng chicken binakol.
* 1 tablespoon oil
* 3 cloves garlic, chopped
* 1 medium onion, finely chopped
* thumb-sized ginger, chopped then squashed
* 4 pcs chicken legs, cut into chunks
* 3 pcs young coconut (juice & meat)
* 200 gms fresh oyster mushrooms, sliced
* peppercorns & salt to taste
* 1 tablespoon fish sauce (patis)
* a bunch of fresh spinach or malunggay leaves
Friday, March 12, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment