Monday, March 1, 2010

Filipino and Proud Batangueno – Jovit Baldivino


Mga kapwa ko Batangueno, Batanguena, napanood nyo ba sa ABS-CBN’s Pilipinas Got Talent? Si Jovit Baldivino noong February 27, 2010 isang 16 na taong gulang, high school student sa Marilag, Batangas, I’m very sure na hinangaan siya sa buon mundo sa pinakita niyang talento sa pag awit. Napa wow talaga sila Kris Aquino and Ai Ai Delas Alas at halos maiyak si Ai Ai Delas Alas nang kinanta niya ang The Journey’s Faithfully.

Sino pa nga ba ang hindi mag a-agree sa tatlong hurado na sila judges Kris Aquino, Ai Ai Delas Alas, at Freddie Garcia pinakitang talento ng isang Batangueno na si Jovit na kahit pa ang mga Audience ay naghihiyawan sa pinakita nitong napakagandang boses. Very amazing talent talaga. Ayon kay Ai Ai Delas Alas “Binuhay mo ang katawang lupa ko” ang galling talaga ni Jovit Baldivino.

Hindi lang ang boses nya ang nakapag pabilib sa mga hurado at sa mga mannonood, maging sa buong mundo, dahil pati ang kanyang personal na buhay ay nakaka bilib din. Sinisikap niyang i-ahon ang kanyang pamilya kahit na ang kanyang mga magulang ay walang trabaho at ang kanyang ama ay kagagaling lang sa sakit na tuberkolosis. Habang nag aaral siya ay nag titinda siya ng siomai pagkatpos ng kanyang klase. Isa sa kanyang mga pangarap ay maging isang singer pero mas pipiliin niyang makapag tapos sa pag aaral. Napaka sipag na bata at talagang may mararating sa buhay.

Napakita na nga ni Jovit Baldivino ang kanyang talento sa pag awit, at pinakita mo din ang pagiging isang Batangueno na masipag at malakas ang loob. Maraming salamat sa ABS-CBN at binibigyan nila ng pagkakataon maipakita ng mga pinoy ang mga natatagong talent ng  mga pilipno Lahat kami dine sa Batangas ay very proud sa iyo.



2 comments:

  1. Napanood ko toh on air! nakaka-iyak tlga yung story nia~ its very unexpected a youngman can sing like that! plakadong plakado kungbaga~ taga Batangas City ba siya? o Tingloy?

    ReplyDelete
  2. Di ko xa napanood sa abscbn eh, pero ngayong nagkalat na ang videos niay sa youtube with 774,790 views and still moving sikat na nga siya. Another Dangal ng Batangas.

    ReplyDelete