Ipinagdiwang sa Batangas city ang Sublian festival upang buhayin ang tradisyon at lumang kaugalian ng mga batangeño. Ang salitang sublian ay nagmula sa salitang “subli”. Ang subli naman ay pinagsamang salitang subsob at bali. Subli ay isang uri ng pagsamba sa mahal na poong Santa Cruz sa pamamagitan ng pagsayaw ngunit sa iba ang subli ay hindi lamang isang uri ng sayaw. Ito ay isang kaugalian na naghahayag ng pananalig at pagdeboto sa mahal na poong Santa Cruz.
Ang mga mananayaw ng subli ay nagpapanggap na pilay o maiksi ang isang paa. Ang sublian festival ay may ibat ibang klaseng programa kagaya ng sayawan, parada, santa cruzan , palabas, patimpalak at palarong ng lahi. Ang palarong ng lahi ay binubuo ng patintero, dinuron, kadang-kadang, tayakad, karera sa sako at pati ang sabong ng manok.
Ang mga laro ito ay onti-unti ng nakakalimutan ng mga kabataan sa Batangas dahil sa pag kahilig ng mga kabataan ngayon sa mga computer games at iba pang larong ngmula sa mga banyagang bansa. Kaya ang layunin ng sublian festival at local na pamahalaan ng Batangas na buhayin ang mga larong kinalakihan ng ating mga magulang.
No comments:
Post a Comment