Tuesday, May 4, 2010

Tama bang magdiwang si Vilma Santos-recto dahil sa pagkamatay ni Armando Sanchez

Sa mga oras na ito malamang ay nagdiriwang na sa Kapitolyo si Vilma Santos-recto sa pagpanaw ng kanyang pinakamahigpit na kalaban sa politika at sa pagkagobernador ng Batangas. Sa pagkaalam ni Mrs.Recto, si Arman Sanchez lamang ang may kakayahan tumalo sa kanyang ngayon eleksyon sa pagkagobernador ng Batangas.

Malaking tinik ang nabunot sa lalamunan ni Mrs.Recto ng sumakabilang buhay ang nag –iisang full time governor ng Batangas. Ngunit doon nagkamali si Mrs.Recto, masyado ng madami ang nasimulan si governor Arman Sanchez para mahinto ito dahil sa kanyang pagpanaw dapat may magtuloy ng kanyang mga nasimulan at dapat may kumalaban sa once a week governor ng Batangas na si Mrs.Vilma Santos-Recto.

Bakit kamo tinawag kong once a week governor ng Batangas? Kasi once a week lamang ito mamalagi sa kanyang opisina sa kapitolyo. Lalo na siguro kung papalarin manalo ang kanyang asawang si Mr. Ralph “EVAT” Recto sa pagka-senador malamang hindi na natin lalong makikita sa kapitolyo ng Batangas si Mrs.Recto.

Hindi pa oras para magsaya si Mrs.Recto dahil hindi papayag ang mga taga Batangas na mahinto ang mga adhikain ni governor Sanchez at hindi pa tapos ang laban.

1 comment:

  1. Kahit hindi ako taga-Batangas eh naniniwala ako na hindi dapat na manalo si Vilma.

    The Filipino taxpayers require a full time public servant. Kung gusto niya mag showbiz e hindi mag showbiz na lang siya full time.

    Public service is not a part time job. It entails many sacrifices for the sake of the public.

    ReplyDelete