Monday, February 22, 2010
Tablea Tsokolate ng Batangas
Tablea ay salitang nagmula sa espanya, ang kahulugan ay tabletas. Tsokolate ay salitang hango sa salitang ingles na chocolate. Ang tablea tsokolate ay gawa sa buto ng kakaw. Pinaniniwalaan ang mga kastila ang nagdala at ngtanim dito sa Pilipinas ng mga puno ng kakaw at pagproseso nito para maging tablea tsokolate.
Noong panahon ng mga kastila ang mainit na inumin na tsokolate na gawa sa tablea tsokolate ay madalas isabay sa almusal at kadalasan ihanda tuwing may espesyal na okasyon.
Ang probinsya ng Batangas ang may pinakamasarap na produksyon ng kakaw sa Pilipinas. Dahil sa maganda klima at ang mga puno ng kakaw ay nasisilungan ng ibang matataas na puno tulad ng puno ng buko. Mula sa pagpitas ng beans ng kakaw mula sa lima nito. Ito’y tatalupan at ibibilad sa araw hanggat matuyo.
Ang beans ng kakaw ay ibubusa at mano-manong igigiling kagaya ng pagproseso ng kapeng barako hanggat kumatas ang mantikilya tska ihahalo ang asukal at hulmahin para maging tabletas.
Ang pag inom ng tsokolate ay matagal ng tradisyon sa probinsya ng Batangas. Ang pagtimpla ng mainit na tsokolate ay sa pamamagitan ng pagpapakulo ng tubig,gatas at tablea tsokolate sa katamtamang apoy. Haluhin sa pamamagitan ng batidor hanggang lumapot. Maari din lagyan ng asukal na naaayon sa iyong panlasa. Puede din gamitin sa tablea tsokolate sa paggawa ng champorado at puede din gawing sawsawan ng suman.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Naalala ko noong bata pa ako! gustong-gusto ko ang champorado na ang ginamit na pampalasa ay Tableang tsokolate na binibili ni nanay kapag nakakauwo siya sa Batangas City at Taysan
ReplyDelete